ANG PAKIKIPANAYAM
PANAYAM:
Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong
nais niyang kunan ng mga imformasyong maiuulat o maipalilimbag.
Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng
opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng
kawilihan sa madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad
na kinakapanayam.
MGA TAONG KINAKAPANAYAM:
Panauhing tagapagsalita
Panauhing tagapanayam
Resource person
Bagong guro
Bagong dating a guro buhat sa komvensyon o sa isang tanging pook
Isang gurong katatapos lamang ng M.A. o Ph.D.
Isang gurong katatapos lamang ng isang seminar, atbpa.
Isang magaling na manlalaro
Isang tagasanay ng laro
Pinakamagaling na mag-aaral sa lahat ng asignatura
Pinakamagaling na mag-aaral sa isang asignatura
Mag-aaral na may tanging kakayahan sa;
1. Pagbibigkas o
talumpati
2. Pagtula
3. Atbp.
Mag-aaral na may tanging kakayahan sa pagsulat
Mag-aaral na nagwagi sa isang patimpalak
Mag-aaral na galing sa ibang bansa (personal man o bilang isang
opisyal na delegado sa isang komferensiya o bilang isang iskolar
Isang matagumpay na alumnus.
LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM
Kumuha ng imformasyon, reaksyon, at/o kurokurong kailangan sa
paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan.
Layuning pagtatampok
Layuning pantalambuhay
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)
Formal:
May ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang takdang
araw, takdang oras at takdang lugar.
Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kanyang
kinakapanayam.
Di-formal:
Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang
taong kakapanayamin.
Tinatawag din itong ambush
interview.
Ito’y ay biglang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang
mahahalagang pangyayari na nangangailangan ng pangmadlang kabatiran.
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)
Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative):
Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong
may kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o
sa isang taong maaring mapagkunan ng balita.
Opinyon (Opinion
interview):
Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong
bntog o kilalang otoridad.
Lathalain (Feature
interview):
Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay
na karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging
kawili-wili sa madla.
Pangkat (Group interview):
a. Natatanong na
reporter (inquiring reporter type)
Iisa ang tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa pasumalang
(random) na pagtawag.
b. Simposyum (symposium)
Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa
bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng
katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.
c. Pandiyaryo (Press interview)
Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya
ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa
pambansang aktibidad.
MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM
Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.
Magsuot ng angkop na damit.
Magdala ng notbuk at panulat.
Magpakilala agad nang buong pamitagab at sabihin kung ano ang
pakay. (Huwag magpanggap.)
Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang
pag-uusap sa mga personal na hilig ng kinakapanayam.
Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.
Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila
maselan, gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder, humingi muna
ng pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas lalong huwag gawin
ng patago.)
Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at
muling makaabala sa hinaharap.
Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.
Maging alisto sa mga bago at di-inaasahang anggulong malilikha
habang nakikipanayam.
Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.
ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PAKIKIPANAYAM
Kailanagn malaman muna sa anumang paraan ang lahat ng maaaring
malaman hinggil sa taong kapapanayamin.
Mahalagang malaman din ang hilig o libangan ng taong
kinakapanayam.
PANGANGALAGA SA IMFORMANTE
DALAWANG URI NG
IMFORMANTE
·
Impormanteng lihim ang pangalan:
Imformanteng nagbibigay ng mga delikado o maseselang imformasyon
na maaaring maglagay sa delikadong kalagayan sa kanya kung ilalantad ang
kanyang pangalan.
·
Imformanteng naglalantad ng pangalan:
Imformateng walang ibinibigay na imformasyong delikado.
v
HINDI DAPAT IBUNYAG ANG PANGALAN NG ISANG TAONG NAGBIGAY NG
ISANG MAHALAGANG IMFORMASYON SA ISANG REPORTER.
v
HUWAG ILATHALA ANG PANGALAN NG MGA BIKTIMA NG MASESELANG KRIMEN.
v
HUWAG ILATHALA ANG PANGALAN KUNG ANG BIKTIMA O SUSPEK AY MGA
BATA PA O WALA PA SA LEGAL NA GULANG.
PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM
·
Sulatin kaagad ang balita pagkatapos ng pakikipanayam.
·
Pagpasiyahan kung anong uri ang susulatin: nagbibigay kaalaman?
Opinion? Lathalain? O ang kombinasyon ng mga ito?
ü
Nagbibigay kaalaman – tumatalakay sa mahalagang pangyayari.
ü
Opinion – tumatalakay sa mahalagang komentaryo.
ü
Lathalain – tumatalakay sa katauhan, kawilihan at gawain ng
kinapanayam.
ü
Kombinasyon – pinagsama-sama ang katangian ng lathalain at ng
nagbibigay kaalaman o kaya’y opinion.
·
Piliin at bigyang halaga ang tala. Isulat lamang ang
kawili-wiling impormasyon ukol sa kinapanayam.
·
Ayusin ang mga datos bago sulatin ang salaysay.
·
Ipakita ang mga sipi o tuwirang sabi sa kinapanayam kung maaari.
MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG INTERBYU
·
Sundin ang ayos na baligtad na piramide (inverted pyramid)
·
Simulan sa angkop na pamatnubay. Maaaring ito’y tuwirang sabi (direct quotation) o di-tuwirang sabi (indirect quotation).
·
Lagyan ng pang-ugnay (tie-in)
sa pagitan ng pamatnubay at ng unang talata ng katawan ng balita.
·
Tiyaking maiugnay ang pamatnubay sa katawan ng balita.
·
Ayusin ang katawan ng balita na nagbibigay kaalaman at ng
opinion sa magkasalit-salit na talata na tuwirang sabi at ng nagbubuod na
pangungusap (summary statement).
v
Ang lathalaing
pakikipanayam ay walang iisang
kaayusang sinusunod sapagkat ito’y nababatay sa kakanyahan ng kinapanayam at sa
pagiging orihinal ng tagapanayam.
·
Huwag isama sa balitang isusulat ang mga tanong na ginamit sa
pakikipanayam maliban kung ang balita ay isusulat sa ayos TANONG AT SAGOT.
·
Gumamit ng “wika niya”, “aniya”, “ayon kay”, “ayon sa kanya”,
atbp.
·
Iwasang banggitin ang sarili maliban kung may mahigpit na
dahilan.
·
Iwasan ang paggamit ng “wika niya” at mga katumbas nito sa
hulihan ng talata.
·
Gumamit ng running quotes kung kinakailangan.
·
Gumamit ng ellipsis para maalis ang mga hindi kailangan o ang
mga kalabisan sa mga tuwirang sabi.
HUWARAN PARA SA PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM O
TALUMPATI
·
Kabuuang Pamatnubay
·
Balitang Batayan (News peg)
·
Tuwirang sabi
·
Paglalarawan sa kinapanayam o sa nagtatalumpati
·
Tuwirang sabi o di-tuwirang sabi
·
Pinaghalong tuwirang sabi at tuwirang sabi (Partial quote)
·
Tuwirang sabi
·
Kasagutan sa mga tanong sa bukas na talakayan, kung ang balitang
sinulat ay batay sa talumpati.
·
Di-tuwirang sabi
·
Nagbubuod na pangungusap
·
Konklusyon.
ok,..thanks dito....
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteyung kahalagahan po ? :)
ReplyDeletethanks :*
ReplyDeletesalamat po ng marami
ReplyDeletesalamat po ng marami
ReplyDeleteThank you!!!
ReplyDeleteMaganda ito dahil na-ihahanda kami sa pakikipagpanayam katulad ng mga bagay na kailangan, mga itatanong atbp.
ReplyDeletethank you!!!!
ReplyDeletesayang lang walang mga examples, pero thanks na dito!!!
ReplyDeleteThanks po. It helped a lot :)
ReplyDeleteThanks po sa info. Thanks po talaga
ReplyDeleteThanks po sa info. Thanks po talaga
ReplyDeletethanks po
ReplyDeleteThanks for this information 😊
ReplyDeleteThanks for this information 😊
ReplyDeleteyung hakbang sa pag iinterbyu?????
ReplyDeleteThanks for a bit info.
ReplyDeletepano po maghanda para sa panayam
ReplyDeletethanks po
ReplyDeleteSalamat po sa information
ReplyDeleteTHANKS PO NG MARAMI..
ReplyDeleteSalamat .malaking tulong.🙏
ReplyDelete