Ano ang Teknikal na Pagsulat?
Ang teknikal na pagsulat ay ang pagsulat na sumasaklaw sa pagsulat ng mga sulating may kinalaman sa komersyo o empleyo. Halimbawa ng teknikal na pagsulat ay liham mapapasukan.
Mga Uri ng Pagsulat:
1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
2. Referensyal na Pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan. Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes. Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
3. Jornalistik na Pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.
4. Malikhaing Pagsusulat - Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.
5. Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
6. Profesyonal na Pagsulat - Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod:
ü police report – pulis
ü investigative report – imbestigador
ü legal forms, briefs at pleadings – abogado
ü patient’s journal – doktor at nurse
Ano ang Pagsulat?
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat:
Mahalaga ang pagsulat dahil:
n kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
n Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
n Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat:
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.
Mga Bahagi ng Pagsulat
Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.
Mga Halimbawa ng Pagsulat:
- Editoryal
- Lesson plan
- Konseptong papel
- Marketing plan
- Pamanahong Papel
- Feasibility study
- Sanaysay
- Bibliographi
- Tula
- Balita
this is great thanks a lot....
ReplyDeleteThank you so much :)
ReplyDeleteThAnks
ReplyDeleteAnu ang pinagkaiba ng liham sa sulating teknikal
ReplyDeleteAnu ang pinagkaiba ng liham sa sulating teknikal
ReplyDeleteTYSM
ReplyDelete