Tuesday, November 7, 2017

PADASAL


Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin
At huwag mo kami ng ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama

Sa padasal nagsimula ang lahat at alam ko na sa padasal magtatapos ang lahat ng ito. Lunes, madilim-dilim na at ito ang oras ng padasal. Ikatlong araw na ito ng padasal para sa aking yumaong ina. At sa kadiliman ng gabi ang siyang oras na hinihintay ng isang halimaw na lubos kong kinakakatakutan. Ito ang oras na aking pinanghihilakbutan. Subalit ang oras na ito ang siyang aking kandungan.
 
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen

            Dinig na dinig ko ang bawat salitang binibigkas ng mga nagdarasal. Dinig na dinig ko na hindi lamang ang kaluluwa ni Inay ang pinagdarasal ng mga ito, sapagkat dama ng bawat hibla ng aking kalamnan ang lakas na dulot ng panalangin. Sa aking puso’y dama ko ang bawat sundot ng karayom na tumutusok at umuusig sa aking kaluluwa.

            “Aaaahhhhhh… uuummmhhhhh…”
            “SSShhhhiiitttttttt…. Aaaaaggghhhh….”
            “Mmmmyyyyy Goooodddd”

            Dinig ko ang mga ungol at mura ng isang lalaki. Kinamumuhian ko ang lalaking ito. Subalit kinababaliwan ng aking kalamnan. Kinasasabikan ko ang bawat sandali na hindi ko siya nakikita. Subalit kinasusuklaman ko ang bawat sandaling siya ang aking nakakapiling.

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.

            Ang bawat salitang binibigkas sa panalangin na ito ay tila karayom na sumusundot sa aking puso. Apoy na sumusunog sa bawat hibla ng aking kaluluwa. Tinik na bikig sa aking lalamunan sa aking bawat halakhak.

            “Maria, wala ka talagang katulad. Ikaw at ikaw lamang.” Wika ng lalaki.

            Nag-uunahan sa paglandas sa aking pisngi ang mga luha ng kalungkutan, luha ng kahungkagan at ang luha ng kamatayan. Hindi ko mapigil ang bawat patak nito. Tila may sariling utak na nag-uunahan sa pagpatak, nais kumawala mula sa matang nag-uumapaw sa halo-halong emosyon.

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.

            Tinig ito ng ale na siyang lider ng mga nagdarasal. Tinig niyang sumusundot sa aking konsensya. Patuloy na namimilisbis sa aking pisngi ang mga luha. Hindi mapigil, ayaw papigil at hindi masawata.

            “Tiyong tama na po. Para na po ninyong awa.”  Tanging nasabi ko sa lalaking nakakubabaw sa hubad kong katawan.

            “Hindi Maria! Hahaha!!!”  Halakhak nito. Hindi ko na mailarawan kung ano ang halakhak na iyon. Sapagkat sa wari ko, iyon ay halakhak ng isang demonyong sumisibasib sa bawat hibla at himaymay ng aking laman.

            Patuloy niyang pinagpipyestahan ang aking kalamnan - ang aking laman. At sa bawat ulos ng demonyong tumatarak ay siyang patak ng luhang kanina pa lumalandas sa aking mga pisngi. At sa pagtingala ko, ay aking nakita ang isang patalim.

            Tila ito isang mamahaling hiyas. Kumikinang sa aking paningin. Hinihikayat at inaakit akong hugutin ito. At sa nagdidilim kong isipan, hinugot ko ito at itinarak sa likod ng demonyong kanina pa bumababoy sa aking katawan.

            “Hindi kita mapapatawad sa pagnakaw mo sa aking kabataan. Sa pagsira mo sa aking kinabukasan!” Sabay tarak sa kutsilyong kumikinang sa talim.

            Saksak. Luha. Dugo.

            Dugo. Luha. Saksak.

            Luha. Saksak. Dugo.

            Saksak! Saksak!

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin
At huwag mo kami ng ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.


AMEN.

Thursday, August 23, 2012

Mga Bantas ng Pag-ibig


Mga Bantas ng Pag-ibig
Erwin F. Deguiñon
.
Tuldok, wakas at dead end.
Katapusan ng simula
Simula ng katapusan
Matamis na mapait
Kasiyahang walang kawangis.
Biglang lumuha,
May naduwal,
May nabugbug,
May nagsaya.
Magsasaya ka na.
Ipinaubaya na.

(        )
Panaklong, isaklong at naisali.
Dalawa lang dapat
Maging sa tingin ay tapat.
May espasyo sa gitna
Tatlo pala sila.
Nakihalo, nakisawsaw
Hinarap ngiti ng balaraw.
May suntukan,
May sabunutan.
Galit na ‘di mapawi,
Ngiti’y di nakita uli.

?
Tanong, itinanong at tinanong.
Ano ka, ano tayo?
Pati iyon ba tanong?
Tanong kong di masagot,
Ilan ba kaming kasangkot?
Totoo ba talaga?
Mahal kita!
Mahal mo ba ako?
Mahirap sagutin,
Alam natin.
Huwag ka ngang magsinungaling.

!
Padamdam, dinamdam at ipinaramdam.
Sandaling tuwa, sandaling saya,
May ngiti pang baon at iniuwi pa.
Ipinadamang init ng pag-ibig,
Ilang araw ang lumipas,
Pasan ko ang daigdig.
Padamdam mo’y nilipad,
Di ka makausad.
Dinaramdam mo itinaboy,
Sa tarangkahan ng baboy.
Pagdaramdam, dinaramdam, dadamdamin,
Bigo!
,
Kuwit, may kumuwit at naipit.
May kuwit sa ngalan mo,
May sumabit.
Sinong sumabit?
Sa ngalan kong may kuwit?
Kuwit na parang dagdag.
Di ba isa-isa dapat?
Bakit kami naging dalawa,
Naging apat?
Pag-ibig ay tapat?
Bakit apat?
Apat ba dapat?
Pag-ibig ba’y di sapat,
Kaya apat? 

:
Tutuldok, tumuldok makalawa
Pataas at pababa.
Dala-dalawa,
Maaaring mas marami pa.
Ito’y may lista,
Isa, dalawa, tatlo ay etcetera.
Siya at ako na:
Paano ka na?
Idinagdag para magpaliwanag
Sa dahilan na nararapat.
Pag-ibig ba’y may paliwanag?
Paano kung ubos na ang liwanag?
At wala na ang linaw?
Pag-ibig ba’y ubos na?

;
Tuldok at kuwit,
May natapos at nagdugtong muli,
Di ko alam at di mawari.
Di malinaw, di rin mahati.
Natapos na’y di rin pala.
May dugtong pa at
Di rin nag-iisa.
Ah, mahal ko siya,
Pero mahal niya ay iba.
Magkasama kami,
Ngunit di para sa isa’t isa.
Gusto ko siya, mahal pa.
Sa iyo rin ay iba.
Paghiwalayin, maghiwalay na.
Bago lumala ang sugat niya.


The Prayer (Ballot Box Scandal)


The Prayer(Ballot Box Scandal)


Mangluhod kita…Ug mag-ampo na... 
Unod sa ballot box, unod sa ballot box, nango ni daghan ka? color pa jud nimo nganong nalahi kanila?ug boto ato nag-inusara?kinsa'y nagbuhat oh kinsa ka?mura tag buang ug mangita kita niya...dili man jud mutug-an katong tawhana,o basig daghan ra jud sila?tawong nagbuhat ato,asa naman ka?unta sa FB On-Line ka,aron kining pag-ampo,matubag na...kinsa ba jud kang tawhana ka?kinsa ka, oh kinsa? Unang misteryo,

Kaguluhan


Kaguluhan


I.
Bang!
Boommmm!
Bang!
Boommmm!
II.
Innaaaayyyy!
Itaaayyyy!
Aannaakkkk!
Atteeee!!!
III.
Kabaong…
Kandila…
Bulaklak…
Dasal…
IV.
Gutom.
Payat.
Tulala.
Patay.
V.
Bbbaaaannngggg
Bbbooommmm
Bbbaaaaannngggg
Bbboooommmmm
VI.
‘Nay ang baril
Anak ang bomba
Tayo na
Lumaban ka!
    

Ang Pakikipanayam o Interbyu


ANG PAKIKIPANAYAM

PANAYAM:
*      Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais niyang kunan ng mga imformasyong maiuulat o maipalilimbag.
*      Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad na kinakapanayam.

MGA TAONG KINAKAPANAYAM:
*      Panauhing tagapagsalita
*      Panauhing tagapanayam
*      Resource person
*      Bagong guro
*      Bagong dating a guro buhat sa komvensyon o sa isang tanging pook
*      Isang gurong katatapos lamang ng M.A. o Ph.D.
*      Isang gurong katatapos lamang ng isang seminar, atbpa.
*      Isang magaling na manlalaro
*      Isang tagasanay ng laro
*      Pinakamagaling na mag-aaral sa lahat ng asignatura
*      Pinakamagaling na mag-aaral sa isang asignatura
*      Mag-aaral na may tanging kakayahan sa;
1.    Pagbibigkas o talumpati
2.    Pagtula
3.    Atbp.
*      Mag-aaral na may tanging kakayahan sa pagsulat
*      Mag-aaral na nagwagi sa isang patimpalak
*      Mag-aaral na galing sa ibang bansa (personal man o bilang isang opisyal na delegado sa isang komferensiya o bilang isang iskolar
*      Isang matagumpay na alumnus.

LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM
*      Kumuha ng imformasyon, reaksyon, at/o kurokurong kailangan sa paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan.
*      Layuning pagtatampok
*      Layuning pantalambuhay

URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)
*      Formal:
*      May ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang takdang araw, takdang oras at takdang lugar.
*      Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kanyang kinakapanayam.
*      Di-formal:
*      Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang taong kakapanayamin.
*      Tinatawag din itong ambush interview.
*      Ito’y ay biglang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang mahahalagang pangyayari na nangangailangan ng pangmadlang kabatiran.

URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)
*      Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative):
*      Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang taong maaring mapagkunan ng balita.
*      Opinyon (Opinion interview):
*      Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bntog o kilalang otoridad.
*      Lathalain (Feature interview):
*      Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.
*      Pangkat (Group interview):
a.    Natatanong na reporter (inquiring reporter type)
*      Iisa ang tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa pasumalang (random) na pagtawag.
b.    Simposyum (symposium)
*      Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.
c.    Pandiyaryo (Press interview)
*      Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa pambansang aktibidad.

MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM
*      Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.
*      Magsuot ng angkop na damit.
*      Magdala ng notbuk at panulat.
*      Magpakilala agad nang buong pamitagab at sabihin kung ano ang pakay. (Huwag magpanggap.)
*      Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
*      Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
*      Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag-uusap sa mga personal na hilig ng kinakapanayam.
*      Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.
*      Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
*      Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila maselan, gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder, humingi muna ng pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas lalong huwag gawin ng patago.)
*      Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at muling makaabala sa hinaharap.
*      Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
*      Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.
*      Maging alisto sa mga bago at di-inaasahang anggulong malilikha habang nakikipanayam.
*      Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.

ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PAKIKIPANAYAM
*      Kailanagn malaman muna sa anumang paraan ang lahat ng maaaring malaman hinggil sa taong kapapanayamin.
*      Mahalagang malaman din ang hilig o libangan ng taong kinakapanayam.

PANGANGALAGA SA IMFORMANTE

          DALAWANG URI NG IMFORMANTE
·         Impormanteng lihim ang pangalan:
*      Imformanteng nagbibigay ng mga delikado o maseselang imformasyon na maaaring maglagay sa delikadong kalagayan sa kanya kung ilalantad ang kanyang pangalan.
·         Imformanteng naglalantad ng pangalan:
*      Imformateng walang ibinibigay na imformasyong delikado.
v  HINDI DAPAT IBUNYAG ANG PANGALAN NG ISANG TAONG NAGBIGAY NG ISANG MAHALAGANG IMFORMASYON SA ISANG REPORTER.
v  HUWAG ILATHALA ANG PANGALAN NG MGA BIKTIMA NG MASESELANG KRIMEN.
v  HUWAG ILATHALA ANG PANGALAN KUNG ANG BIKTIMA O SUSPEK AY MGA BATA PA O WALA PA SA LEGAL NA GULANG.

PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM
·         Sulatin kaagad ang balita pagkatapos ng pakikipanayam.
·         Pagpasiyahan kung anong uri ang susulatin: nagbibigay kaalaman? Opinion? Lathalain? O ang kombinasyon ng mga ito?
ü  Nagbibigay kaalaman – tumatalakay sa mahalagang pangyayari.
ü  Opinion – tumatalakay sa mahalagang komentaryo.
ü  Lathalain – tumatalakay sa katauhan, kawilihan at gawain ng kinapanayam.
ü  Kombinasyon – pinagsama-sama ang katangian ng lathalain at ng nagbibigay kaalaman o kaya’y opinion.
·         Piliin at bigyang halaga ang tala. Isulat lamang ang kawili-wiling impormasyon ukol sa kinapanayam.
·         Ayusin ang mga datos bago sulatin ang salaysay.
·         Ipakita ang mga sipi o tuwirang sabi sa kinapanayam kung maaari.



MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG INTERBYU
·         Sundin ang ayos na baligtad na piramide (inverted pyramid)
·         Simulan sa angkop na pamatnubay. Maaaring ito’y tuwirang sabi (direct quotation) o di-tuwirang sabi (indirect quotation).
·         Lagyan ng pang-ugnay (tie-in) sa pagitan ng pamatnubay at ng unang talata ng katawan ng balita.
·         Tiyaking maiugnay ang pamatnubay sa katawan ng balita.
·         Ayusin ang katawan ng balita na nagbibigay kaalaman at ng opinion sa magkasalit-salit na talata na tuwirang sabi at ng nagbubuod na pangungusap (summary statement).
v  Ang lathalaing pakikipanayam  ay walang iisang kaayusang sinusunod sapagkat ito’y nababatay sa kakanyahan ng kinapanayam at sa pagiging orihinal ng tagapanayam.
·         Huwag isama sa balitang isusulat ang mga tanong na ginamit sa pakikipanayam maliban kung ang balita ay isusulat sa ayos TANONG AT SAGOT.
·         Gumamit ng “wika niya”, “aniya”, “ayon kay”, “ayon sa kanya”, atbp.
·         Iwasang banggitin ang sarili maliban kung may mahigpit na dahilan.
·         Iwasan ang paggamit ng “wika niya” at mga katumbas nito sa hulihan ng talata.
·         Gumamit ng running quotes kung kinakailangan.
·         Gumamit ng ellipsis para maalis ang mga hindi kailangan o ang mga kalabisan sa mga tuwirang sabi.

HUWARAN PARA SA PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM O TALUMPATI
·         Kabuuang Pamatnubay
·         Balitang Batayan (News peg)
·         Tuwirang sabi
·         Paglalarawan sa kinapanayam o sa nagtatalumpati
·         Tuwirang sabi o di-tuwirang sabi
·         Pinaghalong tuwirang sabi at tuwirang sabi (Partial quote)
·         Tuwirang sabi
·         Kasagutan sa mga tanong sa bukas na talakayan, kung ang balitang sinulat ay batay sa talumpati.
·         Di-tuwirang sabi
·         Nagbubuod na pangungusap
·         Konklusyon.