Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin
At huwag mo kami ng ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
Sa padasal nagsimula ang lahat at alam ko
na sa padasal magtatapos ang lahat ng ito. Lunes, madilim-dilim na at ito ang
oras ng padasal. Ikatlong araw na ito ng padasal para sa aking yumaong ina. At
sa kadiliman ng gabi ang siyang oras na hinihintay ng isang halimaw na lubos
kong kinakakatakutan. Ito ang oras na aking pinanghihilakbutan. Subalit ang
oras na ito ang siyang aking kandungan.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen
Dinig na dinig ko ang bawat salitang
binibigkas ng mga nagdarasal. Dinig na dinig ko na hindi lamang ang kaluluwa ni
Inay ang pinagdarasal ng mga ito, sapagkat dama ng bawat hibla ng aking
kalamnan ang lakas na dulot ng panalangin. Sa aking puso’y dama ko ang bawat
sundot ng karayom na tumutusok at umuusig sa aking kaluluwa.
“Aaaahhhhhh… uuummmhhhhh…”
“SSShhhhiiitttttttt….
Aaaaaggghhhh….”
“Mmmmyyyyy Goooodddd”
Dinig ko ang mga ungol at mura ng
isang lalaki. Kinamumuhian ko ang lalaking ito. Subalit kinababaliwan ng aking
kalamnan. Kinasasabikan ko ang bawat sandali na hindi ko siya nakikita. Subalit
kinasusuklaman ko ang bawat sandaling siya ang aking nakakapiling.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Ang bawat salitang binibigkas sa
panalangin na ito ay tila karayom na sumusundot sa aking puso. Apoy na
sumusunog sa bawat hibla ng aking kaluluwa. Tinik na bikig sa aking lalamunan
sa aking bawat halakhak.
“Maria,
wala ka talagang katulad. Ikaw at ikaw lamang.” Wika ng lalaki.
Nag-uunahan sa paglandas sa aking
pisngi ang mga luha ng kalungkutan, luha ng kahungkagan at ang luha ng
kamatayan. Hindi ko mapigil ang bawat patak nito. Tila may sariling utak na
nag-uunahan sa pagpatak, nais kumawala mula sa matang nag-uumapaw sa
halo-halong emosyon.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Tinig ito ng ale na siyang lider ng
mga nagdarasal. Tinig niyang sumusundot sa aking konsensya. Patuloy na namimilisbis
sa aking pisngi ang mga luha. Hindi mapigil, ayaw papigil at hindi masawata.
“Tiyong
tama na po. Para na po ninyong awa.”
Tanging nasabi ko sa lalaking nakakubabaw sa hubad kong katawan.
“Hindi
Maria! Hahaha!!!” Halakhak nito.
Hindi ko na mailarawan kung ano ang halakhak na iyon. Sapagkat sa wari ko, iyon
ay halakhak ng isang demonyong sumisibasib sa bawat hibla at himaymay ng aking
laman.
Patuloy niyang pinagpipyestahan ang
aking kalamnan - ang aking laman. At sa bawat ulos ng demonyong tumatarak ay
siyang patak ng luhang kanina pa lumalandas sa aking mga pisngi. At sa
pagtingala ko, ay aking nakita ang isang patalim.
Tila ito isang mamahaling hiyas.
Kumikinang sa aking paningin. Hinihikayat at inaakit akong hugutin ito. At sa
nagdidilim kong isipan, hinugot ko ito at itinarak sa likod ng demonyong kanina
pa bumababoy sa aking katawan.
“Hindi
kita mapapatawad sa pagnakaw mo sa aking kabataan. Sa pagsira mo sa aking
kinabukasan!” Sabay tarak sa kutsilyong kumikinang sa talim.
Saksak. Luha. Dugo.
Dugo. Luha. Saksak.
Luha. Saksak. Dugo.
Saksak! Saksak!
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin
At huwag mo kami ng ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
AMEN.
Okay then...
ReplyDeleteWhat I'm going to tell you may sound kind of weird, and maybe even a little "strange"
BUT what if you could simply press "Play" and listen to a short, "musical tone"...
And magically attract MORE MONEY to your life??
What I'm talking about is BIG MONEY, even MILLIONS of DOLLARS!!
Think it's too EASY?? Think it couldn't possibly be REAL?
Well then, I've got news for you...
Usually the most significant miracles life has to offer are the easiest to GET!!
In fact, I'm going to provide you with PROOF by allowing you to PLAY a REAL "magical abundance tone" I've synthesized...
(And COMPLETELY RISK FREE).
You simply click "Play" and you will start having more money come into your life. starting almost INSTANTLY.
CLICK here NOW to PLAY the mysterious "Miracle Abundance Tone" - it's my gift to you!!